Posted by: Maggie | September 26, 2010

Panaginip

Bakit kung kelan wala na…tsaka mo hinahanap hanap?

Bakit kung kelan hindi kana niya naaalala…tsaka mo naman siya naaalala?

Bakit ngayon na iba na ang kasa-kasama niya…gusto mo naman siyang makasama?

Bakit kung kelan kaibigan nalang ang turing niya sayo ngayon…tsaka naman nagiba ang pagtingin mo sa kanya?

Meron akong isang katanungan na matagal ko ng tinatago, na hindi ko masagot sagot. Minsan hindi ko nalang iniintindi para lang maiwasan ko nalang magisip ng kung ano ano. Pero sa pagkakataon na ito, hindi ko na talaga mapigilan, wala naman akong masabihan kaya ito sinusulat ko nalang.

Sa totoo lang, pinipilit kong iwasan…pinipilit kong layuan…pinipilit kong kalimutan…pero bakit ganun? sa tuwing iniisip ko na yun ang dapat kong gawin, lalo naman akong nahihirapan.

Minsan nabigyan ako ng pagkakataong makilala ang pamilya niya. Ang saya saya ko ng araw na iyon..SOBRA. Ang init ng pagtanggap ng pamilya niya sa akin…sa amin. Sa totoo lang, naaalala ko sa pagkakataon na yun…nasabi ko sa sarili ko na, “Ang swerte swerte naman kung sino man ang mapapabilang sa pamilya na ito”. Para kasing wala silang problema, lahat sila close at ang saya saya nilang kasama. Sa magdamag na yun, kahit sandali lang, nakaramdam ako ng peace of mind. Nagkaroon ako ng panandaliang kasiyahan na hindi ko maipaliwanag at nasabi ko sa sarili ko na “ Sana someday, mapabilang ako sa pamilya na ito…Sana nga lang magkatotoo.” Sa totoo lang nagulat ako ng nasabi ko na yun sa sarili ko, kasi hindi ako yun, hindi ako ang maton na si Ann ng pagkakataon na iyon…hindi ako ang kaibigang si Ann na na nakilala nila…ng pagkakataon na iyon, ako si Ann na mahina.Alam ko, lahat ng nangyari sa araw na iyon ay isang panaginip lang. Panandaliang kasiyahan pero hanggang ngayon malinaw parin sa aking alaala.-_-

May isang kaibigan ang nakapagsabi sa akin dati na, “ Yang nangyayari sayo ngayon, yan yung pilit mong iniiwasan, pilit mong sinasabi sa sarili mo na wala lang…wala lang…pero ang totoo MERON.”

Oo, siguro nga meron nga…pero kahit ano naman ang sabihin ko, kahit ano naman ang gawin ko, at ano man tong nararamdaman ko,wala din namang mangyayari…sa palagay ko hanggang dito nalang ito.

Mas pipiliin ko nalang itago ang lahat, kesa mawala siya ng tuluyan…dahil ito ang TAMA.-_-

Image from: http://www.blingcheese.com/image/code/100/brown+haired+anime+girl.htm

Advertisements

Categories