Posted by: Maggie | September 26, 2010

Mga alaala ni Ondoy

Isang taon na ang nakakalipas ng puntahan tayo ng bagyong Ondoy (Typhoon Ketsana sa ibang bansa) dito sa Pilipinas. Hindi ko naranasan ang bagyong ito masyado kasi nung mga pagkakataon na iyon, kasama ko ang mga dati kong kaopisina at kasalukuyang nagbabakasyon sa Guimaras. Limang araw kaming nagbakasyon sa Ilo-ilo at Guimaras (Sept 24-28, 2009). Yung mismong araw na tumama yung Ondoy sa Maynila, hindi pa namin alam yun kasi wala namang TV yung nirentahan naming hotel room at hindi din naman kami makakapanood ng TV kasi lagi naman kaming nasa labas. Nakita nalang namin yung nangyari sa Maynila noong kumakain na kami ng  lunch sa canteen ng hotel, buti meron silang TV (sosyal nga eh LCD pa pala). Nashock kami kasi sa Guimaras naman di malakas ang ulan, medyo mahangin nga lang pero hindi kasing tindi nung nangyari sa Maynila. Mga tumaob na sasakyan, mga taong namatay sa pagkakalunod at pagkakadaganan ng mga bagay bagay na inanod ng bagyo, mga nawalan ng tirahan…haysss…kapag naaalala ko ang mga nakita kong iyon sa TV, kinikilabutan padin ako hanggang ngayon.

After namin mapanood sa TV ang mga nakakagulintang na pangyayari sa Maynila ( wow ang lalim nun ha) nagsitawagan at text na kagad kami sa aming pamilya at mga kaibigan. Masaklap pa nun eh, mahina ang signal sa resort kasi medyo malayo na sa kabihasnan yung resort namin. Paminsan-minsan may signal, tapos minsan mawawala. Ang pamilya ko, okay naman sila kasi mataas ang lugar namin ( buti nalang ). Pero yung ilang mga kaibigan ko eh talagang naapektuhan, buti nalang walang nangyaring malala sa kanila. Pero ang bestfriend ko, hindi ko siya nakontak ng ilang araw kaya nagalala talaga ko ng todo, kaya ang ginawa ko nalang tinawagan ko ang kanyang nakababatang kapatid. Awa ng Diyos nakausap ko naman siya, at nakuwento niya na pinasok ng tubig ang 1st floor ng apartment na nirerentahan nila sa Makati as in lubog daw talaga. Hindi makontak ang cellphone nia kasi yung charger niya ay lumubog sa tubig, buti nalang naisave niya ang mismong phone niya kaso nga lang deadbat hehe.

Para sa akin hindi naman importante ang mga bagay na nawala o nasira kasi mapapalitan pa naman ang mga iyon ( Minsan nga lang kapag mahal yung isang bagay na nasira masakit padin sa damdamin hehe), ang importante sa pagkakataon na yun eh ang mailigtas ang BUHAY ng mga TAO.

Sobra talaga ang mga nangyari noong nakaraan taon, pero meron lang akong ilang katanungan…natuto na nga ba tayo sa pangyayaring ito? Handa naba ngayon ang gobyerno natin kung sakaling mangyari ulit ang ganitong sakuna? Meron naba silang intensive typhoon emergency plan? Hindi na kaya magtuturuan at magsisisihan ang mga opisyales ng gobyerno kapag pumalpak na naman ang mga rescue plans nila?

Hindi natin mapipigilan ang sakuna na dulot ng kalikasan, ang tanging magagawa lang natin eh maging handa para sa mga ganitong pagkakataon eh maiwasan ang pagbubuwis ng maraming buhay.-_-

P.S.

Happy Birthday Florence! Binagyo man ni Ondoy ang birthday mo last year, ngayon naman binagyo din…ng pagmamahal yiheeeeee 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: