Posted by: Maggie | June 17, 2010

Masaya.

Babala: Kung ayaw mo madamay sa nararamdaman ng nagsulat, hindi ka pinipilit magbasa -_-

Sa huli kong blog ang saya saya ko. Habang pinapanood ang pelikulang yun, ngayon ko lang ulit naramdaman ang sobrang care at pagmamahal sakin ng isang tao matapos ang mahaba habang panahon ng pagiisa. Para lang nasa alapaap at  hindi ko maexplain ang kasiyahan na nararamdaman ko ng mga panahon na yun…

Nagdaan ang ilang linggo… magkasama padin kami kahit patago, naisip ko magiging unfair yun sa kanya, pero dahil gusto niya at gusto ko din ginawa namin kasi masaya kami magkasama…

Ilang araw ang lumipas, andiyan na ang mga problema at pagsubok saming dalawa. Pinipilit namin dedmahin pero wala, naaapektuhan at naapektuhan kami, pero tinuloy padin namin kahit na ganoon kasi masaya kami magkasama.

Dumating ang araw na hindi inaasahan, siguro dahil nadin sa nasa mali kaming sitwasyon, nagwakas ito ng parang bula…hindi namin gusto parehas pero ito na ang hinihingi ng pagkakataon samin…hindi kami para sa isa’t isa…kaya yun na pinagdesisyunan namin…

Bukas eksaktong isang buwan na sana na kami ay nagkakilala…gustuhin ko man na maging malapit kaming magkaibigan ngayon tulad ng sinasabi niya pero di ko pa magagawa…

Natutunan ko, na hindi ka pa pwedeng makipagkaibigan sa taong may feelings ka pa…

Natutunan ko, na minsan may mga tao tayong nakikilala sa buhay natin para turuan tayong matuto sa mga pagkakamali natin sa buhay, at magbagong buhay…

Salamat sa kaibigan kong si lee sa ipinayo niya sakin, “You were happy…and that was all that mattered.”

Salamat sa mga magagandang alaala…naging masaya ako…hanggang sa muling pagkikita -_-

To end this blog , I’ll post this link of an mtv I watched 5 years ago, I searched it again because it’s very heartwarming and I can really relate to it right now.

Sometimes, we need to say goodbye to the person we love but it doesn’t mean that if you part ways, that person doesn’t love you anymore. Maybe, it’s not really meant for the both of you to be in a relationship, but to be just friends that you could cherish forever. -_-

enjoy the mtv -_-

Advertisements

Categories

%d bloggers like this: